Monday, October 26, 2015

The Story of Jonas Adriano Part 1

Umalingawngaw ang napakalakas na kulog sa buong buhay. Nagising ang batang si Jonas sa kanyang kama. Naramdaman niya kaagad ang takot at kaba. Dali-dali siyang umalis sa kama at lumabas sa kanyang kwarto.

Naglalakad siya sa madilim na pasilyo ng kanilang bahay nang lumiwanag ng konti ito dahil biglang kumidlat. Bumilis ang lakad niya  papunta sa isang kwarto ng sumunod ang kulog na napakalakas. Continue...

Sunday, October 25, 2015

The Story of Caleb Villa Part 4

Nagising akong nakatagilid sa isang puting kwarto, kaharap ko ang isang nakakurtinang bintana. Ang sikat ng araw ay halatang-halata sa loob. Nanatili akong nakahiga, partly dahil medyo mabigat ang aking ulo, nakatitig lang sa kurtina. Naalala ko ang mga nangyari sa wedding anniversary nina mama. Paulit-ulit kong inisip yung mga sinabi ni tito, at yung mga sinabi ni Alonzo. Continue...

Friday, October 23, 2015

The Story of Caleb Villa Part 3

For J.Harley :) I hope you like the next part

X - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - X

Di na naulit muli yung nangyari sa akin ni tito nung mga sumunod na araw kasi naging busy ang lahat sa paghanda ng 25th wedding anniversary nina papa at mama. Pati nga si Jonas nasasama na rin sa mga nauutusan. Si tito Arvey naman umuwi na sa bahay niya na matagal na ring di nagagamit. Sabi ni mama baka dito na ulit magi-stay si tito sa Pilipinas. Sa loob-loob ko tuwang-tuwa ako. Continue...

Tuesday, October 20, 2015

The Story of Caleb Villa Part 2

“Cal!” sigaw sa akin ng best friend kong si Jonas. “Andito na magulang mo.”

Nakahiga ako sa kama habang nagbabasa. Napatingin ako sa kanya. “O. Bakit parang gulat ka?”

“Kasama nila tito mo.” Pabulong niyang sabi sa akin.

“Si titooo…” naningkit mata ko.

“Si tito Arvey mo…” mas humina pa boses niya.

Napabalikwas ako ng bangon. Shet andito siya. Continue...

The Story of Caleb Villa Part 1

Noong bata ako, nagkakagusto lang naman talaga ako sa mga babae. Medyo cute naman daw ako, kaya lapitin ako ng mga babae sa paaralan. Pero dahil sa isang pangyayari kaya mababago iyon, at magsisimula iyon sa honeymoon ng mga magulang ko.

Ako nga pala si Caleb. Solong anak. Noong una hindi ko alam bakit pero parang ang eksplanasyon sa akin ay mahirap daw magkaanak sina papa at mama. Sumayaw na nga rin sila sa Obando bilang bahagi ng 10th anniversary nila, ganoon sila kadesperado nun na magkaanak lang. Swerte o biniyaya, ilang buwan pagkatapos nun, buntis nga si mama. Ipinanganak ako ng Mayo, ilang araw bago ang sumunod na wedding anniversary nila. Pero swerte nila talaga kasi nagkaroon sila ng anak na cute at matalino pa haha. 
Continue...